Jump to content

2025:Pagrerehistro

From Wikimania
This page is a translated version of the page 2025:Registration and the translation is 100% complete.


Wikimania@20: Inclusivity . Impact . Sustainability .

Bukas na ang pagpaparehistro para sa virtual na ticket ng Wikimania 2025!


Tingnan ang pahayag sa privacy ng pagpaparehistro.

Ang mga kinakailangang-malaman

Ang mga ticket para sa personal na kaganapan sa Nairobi ay sold out na ngayon. Namangha kami sa kamangha-manghang tugon. Salamat sa lahat ng nagparehistro para sumali sa amin sa Nairobi, hindi na kami makapaghintay na ipagdiwang ang 20 taon ng Wikimania kasama ka.

Mangyaring sumali sa amin para sa online na kaganapan! Ang pagpaparehistro para sa virtual na kaganapan ay libre at mananatiling bukas hanggang Wikimania. Ang Core Organizing Team ay masipag sa pagbuo ng isang virtual na kaganapan na magtatampok ng mas maraming interactive na elemento kaysa dati, na may mga bagong pagkakataon na kumonekta sa isa't isa, sa mga speaker, at sa personal na audience. Daan-daang mga tao ang nakapagrehistro na para sumali sa halos lahat, at gusto naming naroroon ka rin! Magrehistro ngayon upang maging bahagi nito.

Kung nakatanggap ka ng iskolarsip mula sa Wikimedia Foundation, magagamit mo pa rin ang inyong voucher code upang magparehistro para sa kaganapan nang walang bayad, dahil ang iyong lugar ay nakareserba na.

Samahan kami sa pagdiriwang ng ika-20 taon ng Wikimania, nang personal at online

Ang mga aktibidad sa Nairobi ay magsisimula sa ika-5 Agosto na may pre-conference day na nagtatampok ng maraming pagtitipon at kaganapang panlipunan, kabilang ang isang espesyal na pagpupulong para sa mga user na may extended rights, ang WikiWomen Summit, at mga kultural na paglilibot sa lungsod at sa paligid nito para sa mga may nais na tuklasin ang Nairobi.

Mula Agosto 6–9, ang pangunahing kumperensya ay magbubukas sa ilang lugar sa loob ng Gigiri, Nairobi, isang maliit at ligtas na kapitbahayan na kilala sa internasyonal na katangian nito at nasa hangganan ng magandang Karura forest. Ang mga session, workshop, at mga meet-up ay magiging sa loob ng mga maiiksing paglakad mula sa isa't-isa.

Kapag nagrehistro ka, makakatanggap ka ng lahat ng detalye - buong programa, mapa ng pagdadausan, at lahat ng kakailanganin mo upang malubos mo ang iyong karanasan sa Wikimania.

Karibu Nairobi

Nag-aalok ang Nairobi ng malawak na hanay ng mga pagpipilian na matitirahan. Nakipagsosyo kami sa lokal na hotel upang makapag-alok ng mga tinatanging diskwento sa mga kalahok ng Wikimania. Galugarin ang may pinakamabuting alok na hotel na malapit sa Wikimania gamit ang interactive na mapa. May ilang kasosyong airline na nag-aalok ng airfare discounts sa mga kalahok ng Wikimania na naglalakbay parating at magmula sa Nairobi (NBO).

Para sa higit pang kaalaman kung paano maghanda para sa iyong paglalakbay, kung paano lumibot sa Nairobi, at kung paano isulit ang inyong panahon sa Kenya, basahin ang gabay sa paglalakbay na inihanda namin para sa inyo! Kung mayroon kayong anumang mga katanungan, huwag mag-atubiling mag-email sa amin sa wikimania@wikimedia.org.