Jump to content

2025:Paglakbay

From Wikimania
This page is a translated version of the page 2025:Travel and the translation is 97% complete.


Sangguniang papel ng Paglakbay

Kenya
Timezone UTC+3
(3 oras bago ang Coordinated Universal Time)
Pananalapi Kenyan shilling (KES)

USD 1 = KES 128.491
(as of 22 Marso, Palitan ng pera)
Tabi ng pagmamaneho kaliwa
Kodigong telepono ng bansa +254
Pangunahing pananampalataya Kristiyanismo
Kuryente 240V / 50Hz

Plug na G ang uri



British BS 1363 (rectangular three-pin)
Pang-emergency na matatawagan 999 / 112
Mga pangunahing tagapaghatid ng mobile Safaricom, Airtel Kenya, Telkom Kenya
Pagtawag ng sasakyan Uber, Bolt, Little Taxi
    • Pananalapi: Ang opisyal na pera ng Kenya ay ang Kenyan Shilling (KES).
    • Ang M-Pesa, isang mobile money transfer platform, ay ang naghahari sa Nairobi ukol sa anumang maliit o malalaking pagbabayad. Ang mga pangunahing credit card tulad ng Visa at Mastercard ay malawakang tinatanggap din, ngunit ang pagkakaroon ng cash o Mpesa para sa maliliit na pagbili ay nakakatulong dahil ang maliliit na mangangalakal ay hindi nakakapaglako gamit ang mga bank card. Ang mga ATM at currency exchange service ay madaling magagamit at ang ilan (sa mga pangunahing shopping mall) ay maaaring magbigay ng USD o Euro.
  1. Travel Insurance: Tiyaking saklaw ng inyong travel insurance ang mga emergency sa kalusugan at personal na gamit kung ang iyong paglalakbay ay sariling binayaran.

Klima

Ang Nairobi ay may katamtamang klima sa buong taon, na may mga maiinit na araw at malalamig na gabi.

  1. Katamtamang Mataas na temperatura: 25°C (77°F)
  2. Katamtamang Mababang Temperatura: 15°C (59°F)
  3. Ang pag-ulan ay madalang sa buong taon.

Ano ang isasapakete

  1. Mga magaan na damit para sa mainit na araw (hal., t-shirt, shorts, mga bestida)
  2. Isang manipis na jacket o sweater para sa mga lalong malamig na gabi
  3. Komportableng sapatos na panglakad
  4. Sunhat at sunscreen
  5. Universal adapter kung ang inyong mga elektronikong kagamitan ay gumagamit ng iba't-ibang mga plug
  6. Mosquito repellent
  7. Reusable na botelya ng tubig

Insurance

If you have a scholarship from the Wikimedia Foundation, you will be provided medical insurance that covers travel outside your home country during the period of the conference. Domestic travellers should use their regular health insurance. Please refer to the scholarship award letter for further information.

Pagpunta sa Nairobi

  1. Sa Himpapawid: Ang Jomo Kenyatta International Airport (NBO) ay ang pangunahing paliparan ng Nairobi, na may mga koneksyon sa mga pangunahing lungsod sa buong mundo. Ang pambansang airline ay Kenya Airways (KQ), na bahagi ng Sky team Alliance at lumilipad sa mga pangunahing destinasyon sa loob at labas ng Africa.
  2. Sa Lupa: Kung naglalakbay mula sa mga kalapit na bansa sa East Africa Region, ang mga bus gaya ng Easy Coach at Tahmeed ay nag-uugnay sa Nairobi sa mga lungsod tulad ng Kampala, Dar es Salaam, at Kigali.

Transportasyon sa Nairobi

  1. Pagdating mula sa paliparan para sa mga iskolar at dadalo: Ang mga airport shuttle bus ay ipagkakaloob para sa mga iskolar at sinumang iba pang dadalo na gustong gumamit ng aming mga shuttle sa paliparan. Darating ang impormasyon sa pamamagitan ng email sa mga nakarehistrong personal na dadalo sa Hulyo para makapag-sign up sila sa mga airport shuttle. Ang mga shuttle bus ay magsu-sundo at magbaba sa lahat ng mga terminal sa Jomo Kenyatta International Airport.
  2. Mga shuttle bus na isasabigay sa mga opisyal na kaganapan: Magkakaroon din ng mga shuttle bus na maghahatid ng mga tao sa mga pasyal na nakatala at pararatnan/pagmumulan mula sa pagsasara ng kaganapan.
  3. Apps ng Pagtawag ng Sasakyan: Ang Uber at Little Cab ay maaasahan at abot-kaya. Iwasan ang Uber chap chap(economy) sa lahat ng oras, ang kalidad ng sasakyan ay madalas na kulang at ang mga driver ay medyo hindi propesyonal. Bumaling sa Kaginhawaan o sa Uber X man lang. Pareho sa Little Cab, iwasan ang mga sumakay sa ekonomiya at piliin ang Kaginhawaan.
  4. Matatus: Ang mga nasa moda at makulay na mini bus na ito ay isang kultural na karanasan ngunit maaaring maging nakakapawi para sa mga first timer. Ang ilang mga ruta ay kilala rin sa mga nagnanakaw. Isaalang-alang ang pagpili nito kapag ikaw ay kasama ng mga lokal na Wikimedians.
  5. Boda Bodas: Ang mga motorsiklong taxi ay mabilis na umiwas sa trapiko ngunit hindi gaanong ligtas — hindi namin hinihikayat sa mga dayuhan na bago sa Nairobi ang paggamit nito, dahil ang mga ito ay mahusay lamang kung kayo ay may kasamang lokal na may kadalubhasaan.
  6. Walking: Umiwas na maglakad ng nagiisa sa gabi o sa mga malalayo.

Mga payo sa Kaligtasan

  1. Iwasang magpakita ng mga mahahalagang bagay sa publiko.
  2. Gumamit lamang ng mga online-hailing na taxi, lalo na sa gabi.
  3. Maging maingat kapag naghahanap ng mga pook na hindi mo kilala - kumunsulta sa mga lokal o sa iyong hotel nang payo.
  4. Matyagan ang inyong mga pag-aari sa mga mataong pook.

Mga mahahalagang kataga sa Swahili

  1. Mabuting pagbati, Jambo or Mambo (Pangkalahatang pagbati)
  2. Salamat poː Asante
  3. Magkano po ito?ː Hii ni bei gani? Or Hii ni how much?
  4. Paalam poː Kwaheri
  5. Mpesa 😉

Impormasyon para sa pakikipag-ugnayan

  1. Mga Serbisyo sa Emergency: I-dial ang 999 o 112 para sa pulisya, sunog, at tulong medikal.
  2. Conference Help Desk: Magkakaroon kami ng help desk at Trust & Safety Volunteers sa venue. Maaari mo ring suriin ang wikimania Telegram channel o email para sa mga detalye ng pakikipag-ugnayan.
  3. Embahadang Lokal: Isatabi ang mga detalye ng pag-ugnay sa inyong embahada sa pagkakataon ng mga hindi inaasahan.

Magsaya sa Inyong Pananatili!

Nangangako ang Nairobi na maging isang kapana-panabik at nagpapayamang destinasyon para sa Wikimania 2025. Sa pagkakahalo ng makulay na kultura, mainit na mabuting pakikitungo, at natatanging mga karanasan, ang iyong paglalakbay ay hindi malilimutan.

Pook na pagdadausan

Mangyayari ang pagtitipon sa maraming pook sa buong Gigiri, isang maliit at madaling ma-navigate na kapit-bahayan, upang bigyang-daan ang mga kalahok ng pagkakataon na maranasan ang magkakaibang mga alay at ang init ng pagiging mabuting pakikitungong Kenyan. Ang Wikimania ay magiging hybrid, na nag-aalok ng parehong personal at virtual na pakikilahok.

Ang bawat isa sa mga iba't-ibang in-person na venue ay may kanya-kanyang indibidwal na kapasidad. Sa pangkalahatan, sa personal ang Wikimania na ito ay magiging katulad ng laki sa Wikimania Singapore dahil sa mga paghihigpit sa lugar. Para sa kaganapan ay mayroon kaming kabuuang 725 na mga lugar upang punan kabilang ang mga iskolar at iba pang mga dadalo. Ang huling bilang ng mga dadalo ay maaaring bahagyang mag-iba depende sa mga pagkansela at huling minutong pagdaragdag. Kung nag-book ka ng mga flight at hotel ngunit hindi nakarehistro, mag-email sa amin sa wikimania@wikimedia.org.