2025:Mga Visa at Bakuna
Mga kinakailangan sa visa

Ang Kenya ay isang bansang walang visa para sa mga turista. Ang kailangan mo lang gawin ay mag-apply para sa electronic travel form (ETA) online sa pamamagitan ng link.
Inirerekomenda na magkaroon ng isang makatunayan na pasaporte para sa hindi bababa sa anim na buwan mula sa petsa ng iyong pag-alis sa Kenya at hindi bababa pa sa dalawang walang laman na pahina ng pasaporte.
Mga Bakuna at Kalusugan

Ang pagbabakuna ng Yellow fever ay sapilitan para sa mga manlalakbay mula sa endemic regions. Kailangan mong magpakita ng sertipiko ng pagbabakuna sa Yellow Fever kung ikaw ay naglalakbay mula sa isang endemic na rehiyon. Ang sertipiko ay kailangang makuha nang hindi bababa sa 10 hanggang 15 araw bago umalis. Depende sa iyong bansang pinagmulan, maaaring kailanganin mong magpakita ng patunay ng pagbabakuna sa yellow fever kapag bumalik mula sa Kenya. Mangyaring kumonsulta sa iyong lokal na awtoridad para sa mga partikular na kinakailangan.
Bukod pa rito, kumpirmahin na ang iyong mga nakagawiang pagbabakuna ay napapanahon, kabilang ang Hepatitis A, Typhoid, Tetanus, at kung nagpaplano ka ng mga aktibidad sa wildlife, isaalang-alang din ang Rabies.
| Angola | Colombia | Ghana |
| Argentina | Congo, Republika ng | Guinea |
| Benin | Côte d'Ivoire | Guinea-Bissau |
| Bolivia | Demokratikong Republika ng Congo | Guyana |
| Brazil | Ecuador | Kenya |
| Burkina Faso | Equatorial Guinea | Libera |
| Burundi | Ethiopia | Mali |
| Cameroon | Pranses na Guiana | Mauritania |
| Republika ng Central Africa | Gabon | Niger |
| Chad | Ang Gambia | Nigeria |
| Panama | Timog Sudan | Uganda |
| Paraguay | Sudan | Venezuela |
| Peru | Suriname | |
| Senegal | Togo | |
| Sierra Leone | Trinidad at Tobago |
Pinangbasehan: WHO listahan noong Nobyembre 2022.
Insurance sa paglalakbay
Travel Insurance: Tiyaking saklaw ng inyong travel insurance ang mga emergency sa kalusugan at personal na gamit kung ang iyong paglalakbay ay sariling binayaran.
Ang mga scholar na pinansor ng Wikimedia Foundation ay sakop ng travel health insurance policy ng Foundation at direktang makakatanggap ng impormasyon na nauugnay sa patakaran na iyon.