Jump to content

2026:Wikimania

From Wikimania
This page is a translated version of the page 2026:Wikimania and the translation is 100% complete.


Ang Wikimania 2026, ang ika-21 na kumperensya ng Wikimedia, ay balak na mangyari mula ika-21-25 ng Hulyo, 2026 sa Paris, Pransiya, bilang isang personal at online na kaganapan.

Bahagi ng pagtitipon ay ang pagdiriwang ng ika-25 na anibersaryo ng mga nagsinaunang mga Wikipedia.

Tema

Ang tema para sa Wikimania Paris ay Kalayaan, Pagkamakatarungan, Pagka-mapagaasahan (Liberté, Équité, Fiabilité). Sama-sama, pangalagaan natin ang kaalaman, katarungan at kalayaan.

Wikimania 2026 COT

Ipinagdiriwang natin ang ika-25 na taon mula nang likhain ang Wikipedia. Gayunpaman ang daigdig ay hindi kailanman naging mapanganib para sa libreng encyclopedia at sa buong ecosystem nito. Paano natin maipag-lalaban ang mga paglusob ng pulitika at media, na madagdagan ang pagkakaisa sa pagitan ng mga pamayanang wikimedian ng iba't-ibang mga wika at ibang mga digital commons, at tiyakin ang isang maanyayang kapaligiran kung saan ang mga wikimedian ay maaaring maipangarap ang hinaharap nang magkasama? Ang Wikimania 2026 ay isang pagkakataon na kumilos upang mapanatili ang libreng pag-abot ng kaalaman.

Sa isang lalong nagkakasagupa na daigdig, kung saan ang mga demokratikong halaga ay nawawalan na ng saligan, kung saan ang agham at nasa kasaysayan na pinagkasunduan ay kadalasang pinag-dududahan, at ang online na pakikipagsanib ay lalong nahihinto, ang mga proyekto ng Wikimedia ay mga tinatangi sa landscape ng kaalaman. Nag-aalok sila ng puwang para sa pagbabahagi ng kaalaman, kung saan ang timbang ng mga kuro-kuro ang panuntunan, at kung saan ang talakayan ng mga ideya at ang paghahanap ng pagkakaunawaan ay isang karaniwang proyekto.

Sa loob ng 25 na taon, ang mga online na pamayanan ng mga taga-ambag ay nakagawa ng isang digital na pamantayang kabutihan na maaasahan ng lahat, kabilang ang mga mag-aaral, tagapamahayag, siyentipiko... ngunit gayundin ang generative AI at mga search engine.

Ngunit ang mapagkukunang ito ay nanganganib ngayon: ang mga tauhang politiko at organisasyon sa buong daigdig ay nais nilang makita ang Wikimedia Foundation at Wikipedia na isara, ipataw nila ang kanilang mga militanteng pananaw, o 'di-kaya'y sanayin ang AI upang maitukoy ang mga taga-ambag sa likod ng kanilang mga pseudonym, na maibunyag ang kanilang sibil na pagkakakilanlan at umudyok ng panliligalig. Ang pagbabahagi ng kaalaman ay hindi neutral, at ang di-makasariling gawaing ito ay nanganganib ngayon. Ang mga gawaing ito ng pananakot, pagsisiwalat ng personal na data, sensura at pag-aalis ng kalayaan, o mas masama pa, ang mga dahilan kung bakit lubhang kinakailangan ang proteksyon ng ensiklopedia at ng mga taong nag-aambag at sumusuporta dito.

Patuloy tayong nagkakaroon ng pananaw nang isang daigdig kung saan ang lahat, anuman ang kasarian, pinagmulan o wika, ay maaaring makapagbahagi sa kabuuang kaalaman ng daigdig.

Upang makamit ang pangarap na ito, kailangan nating tiyakin ang isang ligtas, mapaganyaya, sari-saring wika na kapaligiran sa pagbabahagi sa Wikimedia at sa kanilang mga kasamahan. Ang Wikimania Paris kung gayon ay tututuon sa tatlong pangunahing hinahalaga ng ecosystem ng Wikimedia:Kalayaan, Pagkamakatarungan, Pagka-mapagaasahan.

Kalayaan

Nilalayon ng ating kumperensya na galugarin ang mga pangunahing kalayaan na sumasailalim sa mga proyekto ng Wikimedia, na may pagtuon sa pangkalahatang pakikilahok at pagbagsak ng mga hadlang sa kaalaman. Lubos kaming naniniwala na ang bawat isa ay dapat magkaroon ng pagkakataon na malayang makapagbahagi ang kanilang kaalaman. Ang kalayaan sa pakikilahok at kalayaan sa pagpapahayag ay mahalaga sa pagpapanatili ng malusog at bukas na mga puwang para sa talakayan, na nagpapahintulot sa bawat tinig na marinig at igalang. Ang mga kalayaang ito ay mahalaga sa pagtiyak na ang lahat ng mga pananaw ay kinakatawan at ang mga talakayan ay nakapagbubuo at nakakapagsama.

Ang isa pang mahalagang panig ng ating kumperensya ay ang kalayaang mag-edit, magparami at magbahagi ng nilalaman, na ginawang posible ng mga libreng lisensya. Pinapadali ng mga lisensyang ito ang pakikipagtulungan at pagbabago, na nagpapahintulot sa lahat na mag-ambag at makinabang mula sa mga mapagkukunang pang-edukasyon at kultura. Ang kalayaan ng pseudonymity ay isa ring pangunahing tema, dahil pinapayagan nito ang lahat na makilahok nang walang takot sa hindi makatarungang pag-uusig o pagbabanta, kaya pinoprotektahan ang pagkakakilanlan ng mga nag-aambag at tinitiyak ang kanilang kaligtasan.

Panghuli, itatanghal natin ang kalayaan sa pagsasamahan at pamamahala sa sarili, pati na rin ang kalayaan ng kaalaman at pag-abot sa uriang nilalaman. Naniniwala kami na ang lahat ay dapat magkaroon ng pang-aabot sa mataas na uri ng mga mapagkukunang pang-edukasyon at pangkultura. Tatalakayin din ang kalayaan sa pagbabago, dahil pinapayagan nito ang paglikha ng mga kagamitang nagpapadali sa pagbabahagi ng kaalaman, na tinitiyak na ang mga proyekto ng Wikimedia ay mananatiling nangunguna sa pagbabago at patuloy na nagbibigay ng libreng access sa kaalaman para sa buong planeta.

Pagkamakatarungan

Habang ang pagkakapantay-pantay (equality) ay naglalayong magbigay ng pantay na pagkakataon para sa lahat, ang pagka-makatarungan (equity) ay naglalayong magbigay ng pantay na paraan para sa lahat ng tao ayon sa kanilang mga indibidwal na pangangailangan.

Tutuon tayo sa mga usapin ng katarungan at pang-aabot, na mangangalaga ng isang kapaligiran kung saan ang bawat tao ay may teknikal at panlipunang paraan na kinakailangan upang makilahok sa pangkalahatang pagbubuo ng kaalaman.

Ang pagtiyak ng isang tunay na unibersal na ibinahaging kaalaman, na kumakatawan din sa pagkakaiba-iba ng tao, ay nangangailangan na ang pagkakapantay-pantay ay ilagay sa sentro ng produksyon at pagtikom ng kaalaman. Naniniwala kami na isang samot-sari at maanyaya na kasanayan lamang, na nasa isang malusog at ligtas na kapaligiran, ay maaaring makahantong sa mga walang pinapanigang pananaw at maiwasto ang mga kinikilingang naroroon pa din ngayon sa ating mga proyekto at sa loob ng ating mga komunidad.

Pagka-mapagaasahan

Ang itatanging pagbabantay ay ang sa pagbigay ng makatunayan, makatotohanan at walang pinapanigang nilalaman na ipamamahagi sa mga proyekto ng Wikimedia. Isasapilit natin kung ano ang ipinahihiwatig nito sa mga tuntunin ng mga mapagkukunan, sa panahon na ang pagiging maaasahan ng siyensya at ang kredibilidad ng gawaing pamamahayag ay lalong nilulusob. Tatanungin din natin ang ating mga tungkulin bilang isang unibersal na kilusan na may kakayahang gumawa ng maaasahan at malayang naa-abot na kaalaman, na pinaglikha at pinatunayan ng mga tao.

Tatalakayin din natin ang ating tungkulin sa pandaigdigang espasyo ng kaalaman at kung paano nag-aambag dito ng ating kilusan,

at dapat ay magpatuloy na pag-aambag dito. Kailangan nating tanungin ang ating mga sarili sa katanungan sa pananatili at dangal ng kilusang Wikimedia.

Upang sa pagtatapos

Inaasahan naming iwanan ang Wikimania na ito nang may panibagong pagtitiwala sa mga ipinag-papahalagaang ito, sa higit na pagkakaisa, lalong matibay na pagkakaisa, at higit na katatagan sa mga panglulusob sa pulitika at media, upang tayo'y patuloy na makapagbahagi ng maaasahan, walang iniilingan at malayang kaalaman.

Mga Kaagapay sa kaganapan


Mga salin ng pahinang ito