2023:Programa/Mga Isusumite
16–19 ng Agosto 2023, Singapore at Online
Tema
Ang tema para sa Wikimania 2023 ay Kaibahan, Pakikipagtulungan, Nahaharap. Ito ay nilayon na maging tagos at ilapat bilang isang lente sa lahat ng mga ideya sa programa. Ang iyong pagsusumite ay dapat may mga elementong kumokonekta sa hindi bababa sa isa sa mga ito. Marami sa ating ginagawa araw-araw sa Wikimedia – sa mga proyekto o sa komunidad – ay sumasalamin na sa tema at lubos na naaayon sa kung paano kinikilala at pinapatakbo ng ESEAP regional collaboration.
- Kaibahan. Ang Wikimania ay magiging pagkakataon na ipakita ang mga grupo na panrehiyon at thematic gaya ng ESEAP bilang mga halimbawa ng pagsasama: iba't ibang grupo ng boluntaryo, indibidwal, at kaakibat, sa iba't ibang yugto ng pag-unlad at mula sa iba't ibang kultura na malapit na kasangkot at nakikipagtulungan sa isang patas na paraan.
- Pakikipagtulungan. Bilang isang ipinamamahagi, pandaigdigang kaganapan, ang Wikimania ay magiging isang paraan upang matuto mula sa isa't isa at magbahagi ng kaalaman tulad ng mga inisyatiba ng komunidad, paggamit ng mga tool, pag-aayos ng mga kaganapan, pamamahala, mga online na kampanya at edit-a-thons, paglutas ng mga problemang nauugnay sa Wiki, at higit pa.
- Nahaharap. Magiging makabuluhan ang Wikimania 2023 sa maraming Wikimedian dahil magiging isang forum upang talakayin ang pagpapatupad ng 2030 Wikimedia Movement Strategy (#Wikimedia2030), at iba pang kasalukuyan at hinaharap na mga priyoridad na kinakaharap ng ating kilusan, mula sa teknolohiya hanggang sa patakaran sa buong mundo.
Mga Tahak
Upang gawing mas madaling ayusin at suriin ang mga pagsusumite ng programa, sa tulong ng programming subcommittee ng mga boluntaryo, nagmungkahi kami ng 11 tahak ng programa. Mangyaring tingnan sa ibaba para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga kategorya at kanilang mga pumapangalawang kategorya. Isipin kung alin ang pinakaangkop sa iyong ideya sa programa. Kung sa tingin mo ay nalalapat ang iyong pagsusumite sa higit sa isang tahak, maaari kang tumukoy ng pangalawang track sa form ng pagsusumite.
Program track | Paglalarawan | Pumapangalawang Kategorya / Mga iminungkahing paksa |
---|---|---|
Mga Inisyatiba ng Komunidad | Inaanyayahan ng tahak na ito ang mga affiliate at komunidad upang ipakita ang kanilang mga kampanya at programa sa pagpapaunlad ng nilalaman. | ■ Mga kampanya
■ Mga editathon |
Edukasyon | Ang tahak na ito ay nagbibigay ng puwang para sa mga inisyatiba at programa sa edukasyon at akademya. | ■ Wikipedia sa silid-aralan
■ Pakikipagtulungan sa mga institusyong pang-edukasyon o asosasyon ng mga guro |
Pagkamakatao, Pagsasama, at Kalusugang pang-komunidad | Ang tahak na ito ay nagbibigay ng puwang upang talakayin ang pagkamakatao, pagsasama at kapatiran bilang mga paraan upang mapabuti ang kalusugan ng komunidad. | ■ Mga diskusyon na nakatuon sa pagkakaiba-iba ■ Pagkamakatao, pagsasama at kapatiran ■ Pagkapantay-pantay ng kaalaman ■ Naa-access ng mga pagkakagamit ■ Mga wika (at mga pagsasalin) ■ Gender gap at iba pang mga paksa ng pagkakaiba-iba ng kasarian ■ Hinaharang ang hanay ng IP address sa mga bansang may limitado/nakabahaging imprastraktura ■ Ang Pangkalahatang Alituntunin sa Pag-uugali (UCoC) ■ Kaligtasan ng mga boluntaryong nag-aambag |
Rehiyon ng ESEAP (Silangan, Timog Silangang Asya, at Pasipiko). | Ang tahak na ito ay nilalayong maigting na pansin sa mga inisyatiba ng mga affiliate, komunidad, at indibidwal na nag-aambag sa pagpapabuti ng nilalaman o mga alalahanin na nauugnay sa Silangan, Timog Silangang Asya at rehiyon ng Pasipiko. | ■ Iba't ibang kultural na pakikipagtulungan sa mga bansa sa ESEAP ■ Mga pag-unlad ng komunidad ■ Pag-unlad ng kapasidad sa mga Maliit at Incubator na wika na mga proyekto ng Wikimedia |
Mga Galleria, Aklatan, Sinupan, Museo, Pamana, at Kultura | Ang tahak na ito ay nagbibigay ng espasyo para sa mga inisyatiba at programa sa pamana at kultural na pagpreserba, pakikipagtulungan sa mga kultural na institusyon na kinabibilangan ng mga Galleria, Aklatan, Sinupan, at Museo. | ■ Mga programa sa digitalization ■ Adbokasiya sa bukas na access ■ Paggawa sa mga katutubong komunidad |
Pamamahala | Sinusuportahan ng tahak na ito ang mga talakayan sa komunidad na nakatuon sa pamamahala, istruktura at reporma, mga pangunahing hakbangin mula sa Movement Strategy. | ■ Charter ng Movement ■ Mga panrehiyon at thematic na hub ■ Mga tungkulin at responsibilidad sa movement ■ Mga proseso ng paggawa ng desisyon ■ Sangguniang Pagkalahatan ng Wikimedia ■ Pang-administratibong partikular na pamamahala (mga proyekto, komunidad, mga affiliate) |
Mga Legal, Adbokasiya, at Mga Panganib | Kasama sa tahak na ito ang mga itinatag na paksa ng talakayan, tulad ng mga copyright at digital na access, at mga bagong lumalabas na isyu, tulad ng tumataas na pagsensura at maling impormasyon sa mundo, gayundin ang pampublikong patakaran at karapatang pantao | ■ Pag-block ng Wikipedia sa ilang mga bansa ■ Maling impormasyon ■ Pagsensura ■ Mga legal na banta, mga kahilingan sa pagtanggal ■ Mga relasyon sa gobyerno ■ Mga reporma sa copyright (Kalayaan sa panorama, libreng lisensya, atbp.) ■ Digital na access ■ Pagpapanatili ng kapaligiran at krisis sa klima |
Bukas na Datos | Ang tahak na ito ay nagbibigay ng espasyo para sa mga inisyatiba ng komunidad sa paggamit at muling paggamit ng datos, na nag-uugnay sa iba't ibang proyekto ng Wikimedia nang magkasama at higit pa. | ■ Datos istatistika na naa-access ng publiko ■ Paggamit/ muling paggamit ng data ■ Bukas na datos at transparency ■ Pag-uugnay ng geograpikong na datos, socio-economic datos, demographikong datos ■ Wikidata o Nababalangkas na Datos sa Commons |
Pananaliksik, Agham, at Medisina | Tinatanggap ng tahak na ito ang mga gawa ng pananaliksik na may mga paksang nauugnay sa Wikimedia at sa mga tema ng Wikimania. Isa rin itong puwang upang talakayin ang iba't ibang mga hakbangin sa nilalaman sa larangan ng agham, kalikasan, at medisina. | ■ Pag-aaral sa kapaligiran at krisis sa klima
■ Mga pag-aaral sa mga pattern ng pag-uugali sa pag-aambag ng nilalaman |
Teknolohiya | Ang klasikong track na nakatuon sa pagtalakay sa lahat ng produkto at teknolohiya sa kilusang Wikimedia. | ■ Pinakabagong mga produkto at tampok ■ Pagpapakita ng tool o mga pagtuturo ■ Mga tool sa yugto ng pag-unlad o pagsubok ■ Mga makabagong teknolohiya |
Mga ligaw na ideya | Isang bukas na landas na nakatuon sa hinaharap para sa mga Wikimedian upang talakayin ang mga ligaw na ideya at hula sa hinaharap... para sa mabuti o masama. | ■ Mga sitwasyon sa malapit o malayong hinaharap ■ Mga senaryo na Black Mirror ■ Etika ng Artipisyal na Katalinuhan at Patuto ang Makina ■ Ang chatbot ang mananaig!!! |
Mga uri ng pagsusumite
Magkakaroon ng ilang mga format, kabilang ang mga lektura, mga pagpresenta ng panel, mga talakayan, at mga workshop na nakatuon sa pagpapaunlad ng kasanayan. Magkakaroon din ng mga session ng mabilisang presentasyon at pag-uugnayan. Bukas din kami sa bago at orihinal na mga ideya sa pormat ng programa, kabilang ang mga kumbinasyon ng mga uri.
Mga Hybrid, Satellite event, at Video on Demand
Maaaring isipin ng mga grupo ang tungkol sa pag-aayos ng sarili nilang mga party sa panonood at iba pang malalayong lugar na may posibilidad na makakonekta nang live sa Singapore sa mga nakalaang oras bawat araw. Hindi lahat ng tao sa komunidad ay maaaring o gustong maglakbay upang kumonekta sa ibang mga Wikimedian. Ikaw at ang iyong mga kasamahan ay maaaring mag-ayos ng satellite event sa isang partikular na araw o oras ng Wikimania. Para sa mga Wikimedia affiliate, maaaring iiskedyul at pondohan ang mga satellite event bilang bahagi ng General Support Funds. Kahit na hindi isinama sa una bilang isang panukala, ang paglipat ng mga pondo sa iyong badyet ay maaaring maging posible upang lumikha ng isang kaganapan. Alamin pa at mangyaring gamitin ang pahina ng pag-uusap nito para sa maagang pagtalakay ng mga ideya.
Mga Katanungan?
Nag-set up kami ng Mga Karaniwang Tanong (FAQ) na pahina para sa iyo. Kung mayroon kang iba pang mga tanong at wala sila sa FAQ, maaari mong i-email ang subcommittee ng programa sa: wikimaniawikimedia.org o idagdag din ang iyong mga tanong sa paghinang pangtulong .